Hulyo 23, 2019 – Sa kakatapos lamang na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, malinaw ang kanyang mensahe para sa mga opisina at ahensya ng gobyerno: gawing mas mabilis at madali ang kanilang mga proseso para sa taumbayan. Wika nga ng pangulo, “Simplify and make your services responsive to — client-friendly. Your client is the Filipino, our employer — from where the money in our
pockets come from, from our salaries.


Muling ipinagmalaki ng pangulo ang pagsasabatas ng R.A. 11032 o ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 na naglalayong solusyonan ang problema ng mabagal na proseso ng pakikipagtransaksyon sa gobyerno, o ang red tape. Kaugnay nito, hinimok niya ang mga mamamayang Pilipino na maging “asssertive’ umano at mangatwiran kung makaengkwentro man ng mga opisyal o empleyado ng gobyerno na manghihingi ng higit pa sa nararapat na kabayaran o fees para sa pinoprosesong aplikasyon o dokumento.

Kaisa ng Pangulo, hinihikayat din ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang ating mga kababayan na iparating sa kanilang tanggapan ang inyong mga hinaing at sumbong kaugnay ng isyung ito. Bukod pa dito, maaari niyo ding idulog sa ARTA ang mga pagpapabagal nanararanasan ninyo sa pakikipagtransaksyon sa mga opisina at ahensya ng gobyerno. Mapa malalaking kumpanya o mga ordinaryong mamamayan man, bukas ang aming tanggapan, linya, e-mail, at maging social media, upang dinggin ang inyong mga hinaing hinggil sa mga pasakit na dulot ng red tape.

Kaugnay ng matibay na direktiba ng Pangulo sa kanyang nagdaang SONA, sisiguraduhin ng ARTA na mas paiigtingin nito ang pagsasakatuparan ng mandato nito na isulong ang pagpapabilis ng proseso at ang pagpapabuti ng sistema ng mga ahensya at opisina ng gobyerno, para sa ikababawas ng pasakit na matagal nang dinaranas ng mga Pilipino at
para sa ikauunlad ng bansa.

Maaalala na noong ika-17 ng Hulyo, nito lamang huling lingo, kasama ni DTI Secretary Ramon M. Lopez at CSC Chairperson Alicia dela Rosa Bala, pinirmahan ni ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica ang Implementing Rules and Regulations ng R.A. 11032. Ibig sabihin, mararamdaman na ng taumbayan ang buong pwersang implementasyon ng batas.

Ayon pa sa Pangulo, “Our goal for the next three years is clear: a comfortable life for everybody, all Filipinos.” Ito ang mismong misyon ng ARTA. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng streamlining, reducing, at automation, sigurado kami sa mas maayos na buhay para sa ating kapwa Filipino.

Kaugnay ng matibay na direktiba ng Pangulo sa kanyang nagdaang SONA, sisiguraduhin ng ARTA na mas paiigtingin nito ang pagsasakatuparan ng mandato nito na isulong ang pagpapabilis ng proseso at ang pagpapabuti ng sistema ng mga ahensya at opisina ng gobyerno, para sa ikababawas ng pasakit na matagal nang dinaranas ng mga Pilipino at para sa ikauunlad ng bansa.

[END]