07 May 2021 Nitong hapon, nakatanggap tayo ng magandang balita na inaprubahan na ng Food And Drug Administration o F-D-A ang Certificate of Product Registration o C-P-R ng Lloyd Laboratories para sa paggamit ng gamot na Ivermectin sa tao.

Dahil dito, nagpapasalamat kami sa FDA sa pamumuno ni Director General Eric Domingo sa pakikinig sa walang patid na panawagan ng taumbayan kasama na ang ARTA na mabilis na aksyunan ang mga nakabinbing aplikasyon para sa mga mahahalagang gamot at produkto.

Salamat din sa pamunuan ng Lloyd Laboratories sa pagsusumikap na mabigyan ng access ang taumbayan sa Ivermectin na kinikilalang essential drug sa parasitic infections.Sa harap nito, patuloy naming hinihimok ang Department of Health na tingnan at patuloy na pag-aralan ang sinasabing bisa ng Ivermectin laban naman sa COVID-19.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing bigyan natin ng pagkakataon ang Ivermectin.

Makatitiyak kayo na ang inyong ARTA ay nandito lang para magmatyag upang matiyak na kumikilos at gumugulong ang lahat ng proseso sa pamahalaan lalo na ang mga may kinalaman sa COVID-19.

Sa usapin ng bakuna, malapit ng matapos ang pagkakaroon ng green lane para sa mga local vaccine manufacturer nang sa gayon hindi na tayo aasa sa ibang bansa para sa ating suplay.

[END]